Publiko tiwala pa rin kay PRRD – Romualdez

Publiko tiwala pa rin kay PRRD – Romualdez

July 14, 2021 @ 2:24 PM 1 year ago


Manila, Philippines – NANINIWALA si House Majority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez na ang pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey ay pagtutumibay lamang ng tiwala ng taumbayan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangangahulugan din aniya ito na kuntento ang publiko sa uri ng pagbibigay ng serbisyo publiko ng administrasyon.

“The Pulse Asia report conforms with other survey fundings that show Mayor Sara is the leading candidate in the 2022 Presidential elections. We expect her numbers to climb even higher when the next survey covers the period after she indicated her openness to run for President,” ani Romualdez.

Lumabas sa pinakahuling survey na nangunguna si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga posibleng kumandidato sa pagka-pangulo sa susunod na eleksyon.

Paliwanag pa ng kongresista, hindi naman na nakapagtataka ang pagtitiwala ng publiko sa administrasyong Duterte at kung magdedesisyon man ang pangulo na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 ay sigurado na ang panalo.

“The voters’ preference for President Rodrigo Roa Duterte, on the other hand, is no longer surprising. He has the Vice Presidential post in the bag if ever he decides to seek it in 2022. He is the most qualified, most experienced and most trusted candidate for the job.”

Tiniyak din ni Romualdez na patok sa mga Pinoy ang Duterte-Duterte tandem sa 2022 na maituturing aniyang dream team.

Ang survey ay isinagawa mula June 7 hanggang June 16 sa may 2,400 na respondents kung saan 28 porciento ay nagsabing si Mayor Duterte ang ibobotong presidente. (Meliza Maluntag)