Publiko, walang dapat ipangamba sa Philippine ID – PDU30

Publiko, walang dapat ipangamba sa Philippine ID – PDU30

August 7, 2018 @ 6:26 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Walang dapat ipangamba ang publiko sa Philippine Identification System Act o batas para sa pagkakaroon ng nag-iisang ID para sa lahat ng mamamayan at banyagang nakatira na sa Pilipinas.

Ang mga impormasyong taglay aniya ng “Phil-ID” ay hindi naiiba sa mga impormasyong hawak na ng Philippine Statistics Authority (PSA), GSIS, PhilHealth, Pag-IBIG Fund, COMELEC at iba pang ahensyang nangongolekta ng personal data.

Ang PSA aniya ay mahigpit na makikipagtulungan sa National Privacy Commission (NPC), Department of Information and Communications Technology (DICT) at sa multi-agency PhilSystem Policy and Coordination Council upang tugunan ang lahat ng agam-agam kaugnay sa privacy and security.

Naniniwala ang Pangulo na ang mga takot sa Phil-ID ay mga gumagawa o nagbabalak gumawa ng iligal dahil katunayan, ang nasabing ID ay makakatulong sa kampanya laban sa kahirapan, korapsyon, krimen, gayundin sa terorismo at violent extremism.

“Let me be very clear about this: The information that will be included in the Phil-ID will not be any different from the information already in the possession of the Philippine Statistics Authority or the former NSO, GSIS, PhilHealth, Pag-IBIG Fund, COMELEC, and other agencies that gather personal data.”

“Moreover, the Philippine Statistics Authority will work closely with the National Privacy Commission, the Department of Information and Communications Technology, and the multi-agency PhilSystem Policy and Coordination Council to address all concerns pertaining to privacy and security. There is therefore no basis at all for the apprehensions about the Phil-ID, unless of course that fear is based on anything that borders to illegal. If at all, the Phil-ID will even aid in our drive against the social menaces of poverty, corruption and criminal issues, as well as terrorism and violent extremism,” ang litaniya ni Pangulong Duterte. Kris Jose