Pugad ng mga high value target sa droga, tukoy na ng MPD

Pugad ng mga high value target sa droga, tukoy na ng MPD

July 27, 2018 @ 4:17 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Tukoy na ng Manila Police District (MPD) kung saan namunugad ang mga high value target sa iligal na droga.

Ayon kay Supt. Carlo Manuel, ang tagapagsalita ng Manila Police District, sinusubaybayan na nila ang 93 barangay sa Maynila na posibleng pinamumugaran ng mga sindikato ng iligal na droga.

Nanawagan naman ang opisyal sa mga barangay na makipagtulungan sa Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC para masupil ang mga nasabing sindikato.

Ayon pa kay Manuel, nais nilang lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa droga  at dapat aniyang gampanan ng mga opisyal ng barangay ang kanilang tungkulin upang masawata at malinis ang kanilang mga nasasakupan.

Nanawagan din si Manuel sa pribadong organisasyon at sa publiko na makipagtulungan sa kanila laban sa kampanya kontra sa iligal na droga.

Ang pahayag ni Manuel ay tugon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA na hindi pa matatapos ang kampanya laban sa droga. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)