Puganteng Chinese naharang sa NAIA – BI

Puganteng Chinese naharang sa NAIA – BI

January 9, 2023 @ 4:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Enero 5.

Ayon kay Dennis Alcedo, Head ng Border Control and Intelligence Unit ng BI, kinilala ang dayuhan na si Chen Yiye, 48, na tinangkang umalis patungo sa China via China Southern flight sa NAIA Terminal 1.

Base sa kanyang rekord, ang kanyang pangalan ay kasama sa BI blacklist at may deportation case noon pang 2017.

Ang nasbaing dayuhan ay nasa bansa bilang isang retiree at nahuli umano noong Agosto 2016 sa Angeles City, Pampanga dahil sa possession ng 36.58 kg ng Methamphetamine Hydrochloride o Shabu, na may tinatayang halaga na 100 Million Pesos.

Pinuri naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pagkakasabat sa dayuhan.

“These fugitives have no place in our country,” ayon kay Tansingco.

“Hence he will be deported, and with his name included in our blacklist, he will be barred from returning to the Philippines,” dagdag pa nito.

Si Chen ay nasa kustodiya na sa Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig habang inaayos ang kanyang deportasyon. JAY Reyes