Puganteng Dutch national na 10 taong nagtago sa Pinas, tiklo!

Puganteng Dutch national na 10 taong nagtago sa Pinas, tiklo!

July 13, 2022 @ 8:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Naaresto ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU) has ang isang puganteng Dutch national na mahigit sampung taon nang nagtatago sa Pilipinas.

Ayon sa ulat nitong Martes, sinabi ni BI-SFU chief Rendel Sy na naaresto ang 63-anyos na si Andre Lapierre sa kanyang condominium sa Makati City kasunod ng dalawang buwang pagtitiktik.

Ani Sy, wanted ang dayuhan sa Netherlands sa umano’y rape, sexual abuse, at illegal possession of firearms.

“Itong biktima ni Lapierre ay inabuso niya umpisa ng 4 years old hanggang tumuntong ng 15 years old itong batang babae. Sinasabi nga inabuso niya at ginahasa,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Sy na isa ang Dutchman sa priority targets ng ahensya.

“Isa siya sa number one na hinahanap natin na mga puganteng nagtatago dito sa atin kasi napakadelikado na nandito sila nag-stay sa atin at maaaring makapag-biktima rin ng mga Pilipino,” paglalahad  niya.

Dumating ang pugante sa Pilipinas noong 2008 at mula noon ay nagpalipat-llipat ng tinutuluyan upang hindi mahuli. Kasalukuyan siyang nasa isang holding area habang hinihintay na makumpleto ang deportation process. RNT/SA