P8.9M jackpot sa Megalotto natumbok ng taga-Samar

June 25, 2022 @3:00 PM
Views:
5
MANILA, Philippines- Instant milyonaryo ang isang mananaya ng Megalotto 6/45 makaraang matumbok nito ang winning combination sa katatapos na draw kagabi.
Sa kalatas na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabili ang maswerteng ticket sa isang outlet sa Eastern Samar.
Maiuuwi ng maswerteng mananaya ang P8,910,000 makaraang makuha nito ang anim na kombinasyon ng Megalotto 6/45 na 28-10-16-03-25-13
Nasa 88 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P32,000 matapos na makakuha ng lima sa anim na kombinasyon.
Ang Megalotto 6/45 ay binobola sa araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes sa punong tanggapan ng PCSO Shaw Blvd. sa Mandaluyong City sa ganap na alas-9:00 ng gabi.
Hinimok ng ahensya ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng kanilang mga produkto upang sa ganun ay madagdagan ang pondo na pantulong sa mga health program, medical assistance at iba pang pangangailangan ng mahihirap na mamamayan na walang pambayad sa ospital at pambili ng gamot.
Upang makobra ang napanalunang tiket, kinakailangan lang na magtungo ang masuwerteng mananaya sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala lang ng dalawang valid ID’s at ang kanilang winning ticket. Toto Nabaja
Dominic Ochoa, Kapuso na!

June 25, 2022 @2:53 PM
Views:
5
Manila, Philippines – Parami nang parami ang mga taga-ABS-CBN artists na lumilipat sa GMA.
Ang latest transferee ay si Dominic Ochoa.
Amost 25 years ding Kapamilya ang aktor, and now brace yourselves dahil kabilang siya sa isa sa mga pinakamalaking serye sa GMA.
Dominic is cast in Abot Kamay na Pangarap topbilled by Carmina Villaroel and Richard Yap.
Kasama rin sa cast sina Jillian Ward at Andre Paras.
It is interesting to note that back in ABS-CBN ay nagtrabaho na sina Carmina at Dominic sa isang serye at isang pelikula in 2013 and 2020, respectively.
At alam n’yo ba na nagkaroon ng guest appearance si Dominic sa youth-oriented show na T.G.I.S. on GMA many years ago?
Well, tingnan natin how Dominic fares sa kanyang aabangang serye in his newfound home. Ronnie Carrasco III
US artistic swimmer Alvarez, nawalan ng malay sa pool

June 25, 2022 @2:52 PM
Views:
7
BUDAPEST, Hungary – Nailigtas mula sa pagkalunod sa ilalim ng pool ang artistic swimmer ng US na si Anita Alvarez matapos mahimatay sa kanyang solo routine, kaya tinanggal sa team event nitong Biyernes sa kahilingan ng governing body na FINA.
“Iyon ay isang desisyon na ginawa ng FINA,” ayon kay Selina Shah, doktor ng koponan ng artistikong swimming ng US, na nilinaw na hindi siya sumang-ayon.
“Sa aking opinyon maaari siyang makipagkumpetensya, ako ay lubos na kumpiyansa,” sabi ni Shah.
Sinabi ng FINA sa isang pahayag na nag-organisa ito ng medikal na pagsusuri noong Biyernes ng umaga na kinabibilangan ng tatlong kinatawan ng komiteng medikal nito, ang executive Director nito, si Dr. Shah at mga opisyal ng koponan ng US.
“Ang pagpupulong ay tumagal ng isang oras,” sabi ng pahayag. “Kasunod ng mga talakayang ito, natukoy ng FINA na hindi dapat makipagkumpetensya ngayon si Anita Alvarez.
“Ang kalusugan at kaligtasan ng mga atleta ay dapat palaging mauna. Bagama’t naiintindihan ng FINA kung bakit ang desisyong ito ay magiging kabiguan sa atleta, ito ay isang desisyon na ginawa sa kanyang isipan ang pinakamabuting interes. Natutuwa ang FINA na nagawa na ni Anita Alvarez isang malakas na paggaling at umaasa na makita siyang muli sa kompetisyon sa lalong madaling panahon.”
Sinabi ni Shah na hindi niya alam kung paano naabot ng FINA ang konklusyon nito na hindi dapat makipagkumpitensya si Alvarez.
“Hindi ko alam ang proseso ng paggawa ng desisyon nila.”
Si Alvarez ay nawalan ng malay at nahulog sa ilalim sa pagtatapos ng kanyang individual routine noong Miyerkules at iniligtas ng kanyang mabilis na pag-iisip na coach na si Andrea Fuentes.RICO NAVARRO
5 lugar sa NCR nasa ‘moderate risk’ sa COVID-19

June 25, 2022 @2:45 PM
Views:
12
MANILA, Philippines- Idineklara ng Department of Health (DOH) ang limang lugar sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng moderate risk kasunod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Usec.Maria Rosario Vergeire na ang mga lugar na nasa moderate risk classification ay ang sumusunod .
-
Pasig
-
San Juan
-
Quezon City
-
Marikina
-
Pateros
Ayon sa DOH, inuuri na moderate risk ang isang lugar kung may positive two-week growth rate sa bilang ng kaso ng COVID-19 at average daily attack rate (ADAR) ng pagitan 1 hanggang 7.
Ang ADAR ay ang insidente na nagpapakita ng average na bilang ng mga bagong kaso sa isang panahon bawat 100,000 tao.
“Kapag tiningnan natin, ang kanilang mga growth rate ay lumalagpas ng 200% kasi nanggagaling sa mababang numero, biglang nagkaroon ng kaso kaya tumaas ang growth rate,” sabi ni Vergeire
Gayunman, sinabi ni Vergeire na ang limang lugar na nabanggit ay bahagya lamang ang pagtaas sa kanilang hospital utilization na may mild at asymptomatic admissions.
Sinabi ni Vergeire sa kabila ng pagkakaroon din ng “slightly high” positivity rate ng NCR na higit sa 5%, hindi pa nakikita ng DOH ang pangangailangan para sa rehiyon na iangat sa mas mataas na alert level dahil binibigyang bigat din ng gobyerno ang mga admission sa ospital.
“Escalation to Alert Level 2, hindi pa ho natin nakikita (We do not see the need for NCR to be escalated to Alert Level 2).
Kahit tumataas aniya ang positivity rate, bastat napapanatili ng mga ospital na hindi ma-overwhelmed at may less severe at critical na kaso ay okay lang ang ating system.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga taong napag-alamang positibo para sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na nasuri.
Inulit ni Vergeire ang posibilidad na ang mga impeksyon ng COVID-19 sa NCR ay maaaring umabot ng hanggang 2,000 sa kalagitnaan o katapusan ng Hulyo, na binanggit ang pagpasok ng mas maraming naihahawa na Omicron subvariant, ang mababang pagsunod ng publiko sa minimum public health standards, at humihina ang kaligtasan sa sakit laban sa virus.
Gayunman, sinabi ng opisyal ng DOH na hindi kailangang maalarma.
“Hindi po kailangan mabahala, pero kailangan vigilant tayong lahat,” dagdag ni Vergeire .
Noong Miyerkules ,sinabi ng DOH na ang Pilipinas ay nasa low risk para sa COVID-19 bagamat nakapagtala ng pagtaas ng kaso.
Sinabi ni Vergeire na ang mababang panganib ay nangangahulugan na ang ADAR ay nananatiling mas mababa sa 1 bawat 100,000 populasyon.
Nakapagtala ang Pilipinas kahapon, Biyernes ng 770 bagong kaso ng COVID-19, ang pinakamataas na araw-araw na tally mula noong Marso.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, ang mga bagong impeksyon ay nagdala ng nationwide caseload sa 3,699,251, habang ang mga aktibong kaso ay tumaas sa 6,068 mula sa 5,523 noong Huwebes.
Ang NCR ay nakapagtala ng 3,264 bagong kaso sa nagdaang dalawang linggo , sinundan ng Calabarzon na may 1,089, Western Visayas na may 563, Central Luzon, 455, at Central Visayas, 279.
Kabuuang 3,632,676 pasyente nakarekober mula sa respiratory disease, habang ang bilang ng namatay ay tumaas sa 60,507. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Sotto magpapalakas; sisiguruhing papasok sa NBA sa sususunod na season

June 25, 2022 @2:41 PM
Views:
8