Puganteng Korean national, tiklo sa BI!

Puganteng Korean national, tiklo sa BI!

October 10, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo ang pagkakaaresto sa isang South Korean na wanted sa mga awtoridad sa Seoul sa pagkakasangkot sa isang multi-million-dollar telecommunications fraud case.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ng BI’s fugitive search unit (FSU) ang pugante na isang 33-anyos na si Lee Won Ho, na naaresto noong Setyembre 21 sa kanyang tahanan sa BF Tahanan Village, Parañaque City.

Bitbit ng FSU operatives na umaresto kay Lee ang isang warrant of deportation batay sa summary deportation order na inisyu ng board of commissioners laban sa Korean apat na taon na ang nakalilipas.

Sinabi ni BI-FSU chief Rendell Ryan Sy na inisyu ng Incheon district court sa Seoul, Korea ang arrest warrant para sa fraud at ni-revoke na ang kanyang passport.

Tinukoy si Lee na isang high-ranking member ng Minju Family, isang big-time telecom fraud syndicate na nag-ooperate sa Manila.

Inihayag ni Sy na nakapangloko na ang sindikafo ng Koreans sa ibang bansa na umaabot sa mahigit US$21 milyon.

Kasalukuyang nakaditene si Lee sa BI jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang hinihintay ang deportasyon. RNT/SA