Puganteng Korean tiklo sa NBI

Puganteng Korean tiklo sa NBI

October 27, 2022 @ 3:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-aresto sa isang Korean national na wanted dahil sa human trafficking sa South Korea.

Kinilala ng NBI ang suspek na si Kim Girok, na naaresto ng mga operatiba ng NBI – International Operations Division (NBI-IOD) noong Oktubre 13 sa Taguig City.

Inaresto ang dayuhan sa pinagsanib na pwersa ng Bureau of Immigration – Fugitive Search Unit (BI-FSU) at ng Southern Police District (SPD).

Nabatid sa NBI, humingi ng tulong ang Supreme Prosecutor’s Office ng Korea sa ahensya para sa pag-aresto at pagpapadeport kay Kim.

Dahil dito, nagsagawa ng surveillance operation ang NBI-IOD na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Dinala si Kim sa opisina ng NBI-IOD para sa booking procedures at pagkatapos ay itinurn-over sa Bureau of Immigration para sa summary deportation proceedings nito. JAY Reyes