Manila, Philippines – Timbog ang isang puganteng Korean national sa kanyang unit sa Makati City
Kinilala ang dayuhan na si Kim Youngin, 41-anyos, walang asawa at trabaho, nanunuluyan sa West Tower, Makati City.
Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon mula sa pinagkakatiwalaang informant ang MPD-DSOU na namataan ang suspek sa kahabaan ng Ermita, Maynila.
Agad na tinungo ng operatiba ang lugar ngunit sa beripikasyon kinumpirma ng BI informant na tumuloy na ng One Rockwell ang suspek.
Matapos ang tamang koordinasyon ng mga operatiba ng pinagsanib na puwersa ng DSOU-MPD, DID, DPIOU at kay Figitive Search Unit ng Bureau of Immigration Bobby Raquepo, Chief at Korean Police Attache Kwon Hyosang, nagsagawa ng operasyon sa Makati City na nagresulta ng pagkakadakip ng akusado sa bisa ng Mission Order na inilabas ng BI noong Pebrero 27, 2019.
Si Youngin ay may kasong Voice Phishing at Swindling sa kapwa Korean at sangkot sa Telecommunications Fraud na umaabot sa halagang $530, 000.00 sa Republic of Korea./Jocelyn Tabangcura-Domenden