Pugot na ulo ng sanggol, nilantakan ng aso

Pugot na ulo ng sanggol, nilantakan ng aso

May 13, 2022 @ 8:54 AM 1 month ago


CARCAR, Cebu- PUTOL ang ulo na pinagpiyestahan ng aso ang katawan ng isang patay na sanggol na babae ng matagpuan sa sementeryo sa bayang ito.

Batay sa report ng Carcar City Police Station, umaga ng Miyerkules natagpuan ang bangkay ng sanggol may sementeryo sa Sitio Dapdap, Barangay Poblacion 3, Carcar City.

Kuwento ng mga residente, nakalanghap sila ng nakakasulasok na amoy na nagmumula sa sementeryo kaya agad nila itong hinanap.

Dito, nakita nila ang bagong panganak na sanggol na babae at kinakain ng aso ang katawan nito habang wala na ang ulo.

Agad naman silang humingi ng tulong sa mga awtoridad at ipinaalam ang mga pangyayari .

Sa ginawang imbestigasyon ng pulisya natagpuan ang ulo ng sanggol sa may bukid sa Sitio Baha-baha, Barangay Liburon, Carcar.

Hinala ng mga awtoridad posibleng namatay ang sanggol at inilibing ito sa sementeryo subalit mababaw lamang ang hukay kaya naamoy ito ng aso at nakalkal.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para alamin kung sino ang ina ng sanggol para mapanagot./Mary Anne Sapico