‘Pugot na ulo’ sa Tondo, false alarm lang pala!

‘Pugot na ulo’ sa Tondo, false alarm lang pala!

August 6, 2018 @ 9:19 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kumakalat sa social media ang video ng kabataan na nag-iwan ng inakalang pugot na ulo sa Tondo, Maynila.

Makikita sa video ang grupo ng kabataan, bibit ang ulo habang naglalakad sa Juan Luna St, Brgy. 163, Tondo, Maynila.

Maya maya pa ay iniwan nalang ito sa tabi dahilan para magkagulo ang mga residente ng barangay dahil sa pag-aakalang ito ay pugot na ulo ng tao, ayon sa kuwento ng kapitan ng barangay.

Agad naman na rumesponde ang mga pulis upang imbestigahan ang nasabing pugot na ulo.

Dito napag-alaman na ulo lamang pala ito ng isang mannequin.

Umani ang video ng pambabatikos mula sa mga netizen at naging palaisipan kung ano ang motibo ng grupo ng kabataan sa ginawa.

Ayon kay Myrna Narciso sa comment, “D[a]pat po ipatawag yan mga bata na yan, ano ang motibo nila? B[a]ka n[a]man meron nag utos sa k[a]nila..ganyan ba ang turo sa kanila ng chapter leader ng Nazareno? ano yan lokohan?”

Dagdag pa ng mga netizen, nararapat din na aksyunan agad ang insidente upang hindi na ito maulit pa.

Alerto ang mga pulis Maynila, kasalukuyang kasing nasa heightened alert status ang Metro Manila dahil sa nangyaring pagsabog sa Lamitan City, Basilan na ikinamatay ng 11 indibidwal noong Martes. Remate News Team

Video (c) Lourdes Salazar Gutierrez