Pulis, 1 pa kinasuhan sa pagdukot sa binatilyo

Pulis, 1 pa kinasuhan sa pagdukot sa binatilyo

December 6, 2021 @ 3:45 PM 10 months ago


ISABELA- Tuluyan nang kinasuhan ang isang pulis at sibilyan na umano’y dumukot sa isang binatilyo sa Barangay 4, San Mateo, Isabela.

Sinampahan na ng kaso sa Provincial Prosecutor’s Office ang dalawang pinaghihinalaan na sina RJ Pua, at si Patrolman Gerald Rumbaoa, dating kasapi ng San Mateo Police station na umanoy na-reassign sa ibang bayan.

Naging batayan ng pamilya Ubaldo sa pagsasampa ng kaso ang salaysay ng dalawang saksi kabilang ang isang bata at ang Barangay Tanod ng Brangay Tres ng nasabing bayan.

Sa kabila ng kinahaharap na kaso ay nanatili pa rin sa kanyang serbisyo bilang pulis si Patrolman Rumbaoa.

Positibo at patuloy pa ring umaasa ang pulisya at maging ang pamilya ng binatilyong dinukot na si John Eddie Ubaldo alyas Guvling na makikitang  buhay at nasa maayos itong kalagayan.

Nakipag-ugnayan ang pamilya ni alyas Guvling sa mga himpilan ng pulisya maging sa lalawigan ng Kalinga upang mas mapabilis ang paghahanap sa kanya na halos magdalawang buwan ng nawawala mula ng itoy dukutin.

Samantala, tila kinukunsenti ni PMaj. Abdel Asis Maximo, hepe ng San Mateo Police Station sa nangyaring pagdukot ng kanyang tauhan sa isang binatilyo matapos ilan beses na makipag-ugnayan ang pahayagan ng REMATE sa kanilang himpilan. Rey Velasco