Pulis, 4 pa laglag sa pangongotong

Pulis, 4 pa laglag sa pangongotong

June 5, 2021 @ 10:03 AM 2 years ago


APALIT, PAMPANGA- Laglag sa kanyang mga kabaro ang isang pulis at apat na miyembro ng Truck Ban Traffic Management Office dahil sa pangongotong matapos ilatag ang operasyon ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), kahapon sa bayang ito.

Kinilala ang mga nadakip na sina PCPL Leomar Calegan; Marlon De Guzman; Menard Mendoza; Michael Maniulit, at Noel Manarang.

Ayon kay PNP IMEG Director PBgen. Thomas Frias, umaga ng Huwebes inilatag ang operasyon laban sa mga suspek sa harap ng Caltex Gas station sa may Quezon Road Mc Arthur Highway, San Simon Exit, Apalit, Pampanga.

Nadakip ang mga suspek matapos tanggapin ng mga ito ang pera mula sa isang truck driver na may kasamang undercover agent.

Nakuha mula sa mga suspek ang higit sa P800,000.00 na pinaniniwalaang koleksyon ng mga ito suspek mula sa mga truck driver na dumaan sa lugar sa magdamag.

Agad naman dinala ang mga suspek sa IMEG-Luzon Field Unit at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 3019, o Anti-Graft and Corrupt Practices Act; RA 6713, Code of Conduct and Ethical Standards for Government Employee; at Robbery Extortion. Mary Anne Sapico