Pulis aksidenteng nabaril ng kabaro; dedo!

Pulis aksidenteng nabaril ng kabaro; dedo!

November 24, 2022 @ 7:18 PM 2 days ago


MANILA, Philippines- Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang pulis matapos itong aksidenteng mabaril ng kanyang kabaro sa Barangay 1B lungsod ng San Pablo Laguna.

Ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib mula sa caliber 9mm ay kinilalang si PCpl Fhrank Aldene Yasay Dela Cruz, 30, may-asawa, PNP member, nakabase sa San Pablo City Police Station, tubong-Alicia, Isabela at pansamantalang naninirahan sa Barangay Concepcion San Pablo City, Laguna.

Samantalang ang suspek na nahaharap sa kasong homecide at administrative case ay kinilalang si PCPL George Mervin Cañete Duran, 31, walang asawa, swat PNP member, at residente ng Barangay Maahas Los Baños, Laguna .

Batay sa imbestigasyon ng San Pablo City PNP, dakong-alas 8:30 ng umaga kahapon, habang ang suspek ay naglilinis ng kanyang service firearms na caliber 9mm bilang paghahanda sa gaganaping inspection ng RSAO ay bigla umanong pumutok at aksidenteng tinamaan ang kabarong pulis (Yasay) sa kanang dibdib.

Napag-alaman na mabilis na isinugod ang biktima sa Community General Hospital sa San Pablo City, subalit idineklarang dead on arrival, ayon sa attending physician na si Dra. Sheryl Maghirang. EllenApostol