Pulis arestado sa pagtaya ng buy-bust money sa e-sabong

Pulis arestado sa pagtaya ng buy-bust money sa e-sabong

April 2, 2022 @ 4:30 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ang isang pulis na umano’y ipinantaya ang P500,000 buy-bust money sa online sabong, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Sabado.

Bahagi ng Philippine Drug Enforcement Group ang pulis, at kasalukuyang nakakulong sa Manila Police District at nahaharap sa reklamong may kaugnayan sa illegal gambling at estafa, ayon kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo.

Ayon kay Fajardo, may ranggong said the officer has a rank of police lieutenant. 

“Maliban pa dito sa criminal case niya for illegal gambling, may kakaharapin pa siyang isang kaso na admin na malversation of government funds after ‘yung buy-bust money supposedly na sa kanyang pag-iingat … ay nadispalko din niya,” ani Fajardo.

“Sa kasamaang palad, dahil sa kanyang pagkakalulong sa sabong ay pati itong pera na sa kanyang pag-iingat ay nadispalko niya at hindi niya ma-account,” dagdag pa niya.

Ang naturang pera ay para umani sa police anti-illegal drugs operations. 

“Noong ibinigay sa kanyang pera na ito, hinahanap sa kanya ng commanding officer para gamitin sa planong buy-bust operation ay hindi na niya mai-account,” ayon sa tagapagsalita ng PNP.

“Kaya siya nasampahan ng kasong estafa dahil ibinenta pa niya itong hiniram niyang sasakyan sa pagtakas at mismong nahuli siya sa betting station kung saan siya hino-hold ng management doon dahil siya ay may utang din,” pahayag pa niya.

Nagbabala si Police chief Gen. General Dionardo Carlos noong nakaraang buwan sa PNP personnel na tumataya sa online sabong sa gitna ng pagkawala ng mga sabungero. 

“This doesn’t give a good impression in their conduct as law enforcers. The bottom line is, we discourage our personnel from engaging in gambling activities as this does not augur well with their professional and personal values,” giit niya. RNT/SA