Pulis arestado sa robbery extortion

Pulis arestado sa robbery extortion

August 3, 2018 @ 6:43 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Arestado  ang isang pulis ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District (MPD) sa kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila .

Kasalukuyang pinipigil sa opisina ng MPD- WSS ang suspek na si PO1 Ferdinand Manlapaz, nakatalaga sa National Capital Region  Police Office (NCRPO)-RSOU at  nakatira sa Sampaloc, Maynila.

Siya ay naaresto sa pangunguna ni warrant and subpoena section  PCI Rolando Armendez kaninang umaga dakong alas-11:50 sa bisa ng warrant of arrest  na inisyu ni Hon.Judge Silvino Pamfilo Jr ng Manila Regional Trial Court Branch 26 dahil sa kasong robbery extortion.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagsumbong ang isang concerned citizen sa ‘Isumbong mo kay Tsip’ text hotline patungkol sa iligal na gawain ni Manlapaz.

Halagang P100,000.00 naman ang inirekomendang piyansa ng korte kay Manlapaz  para sa kanyang pansamantalang paglaya.(JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)