Navotas City – Isang Caloocan City pulis at 12 pa na mga drug personalities kabilang ang dalawang babae ang naaresto ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang anti-illegal drug operation sa loob ng Navotas Fish Port Complex kagabi July 13 sa Navotas City.
Si PO2 Michael Del Monte, 42, na nakatalaga sa Caloocan City Police at residente ng 1614-B Herbosa St, Tondo, Manila kabilang ang siyam pang drug personalities ay naaresto ng mga awtoridad matapos maaktuhang nagpa-pot session.
Nauna rito pasado alas-11:30 ng gabi ay huli sa akto sina Romeo Santiago alias “Manok” 33, Melenia Santiago, 53, pawang taga -Sagingan, Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) at si Mark Jay-r Ramirez, 30, ng Yellow Ville, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) habang hawak ang isang pakete ng shabu iniabot sa poseur-buyer na pulis kapalit ng P500 marked money.
Kasama rin sa mga naaresto sina James Castelo alias “Choy”, 35, isang mangingisda na taga Brgy Pandayan, Bolinao Pangasinan; Joselito Amantillo, 54 ng Block 3 Lot 22 Market 3 Brgy. NBBN; Ronald Manalus, 22 ng Block Lot 2 Market 3 NBBN; Efren Alto 29, mangingisda ng Block 10 Lot 4 Brgy. NBBN; Ritchie Buenaventura, 33, mangingisda ng 46 Miguel St., Brgy. NBBN; Marvin Casil 38 11 C. Perez St. Judge Jose Oreta, Malabon city; Juan Batiancilla, 63 ng Block 7 Market 3 at si Rose Ann Leong, 27 ng 1430 M. Naval St. Brgy Tangos,
Nakarekober ng mga awtoridad sa mga naarestong suspek na umabot sa 20 pirasong plastic sachets ng shabu na umabot sa 40 gramo ng shabu, at isang .9mm Beretta pistol na may isang magazine na kargado ng anim live bullets mula kay PO2 Del Monte, at caliber. 28 revolver na may apat na live bullets, at ang buy bust money at maraming piraso ng drug paraphernalia.
Ayon kay Navotas City Police chief Sr. Supt. Brent Milan Madjaco ang mga narestong suspek ay sinamphan ng kasong paglabag sa Section 5 in relation to Section 26, Section 11 and Section 13 of Article II of R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at paglabag sa R.A 10592 or the Comprehensive Firearms and Ammunition Act sa Navotas City Prosecutors Office. (Roger Panizal)