Pulis at 4 na kasabwat na kidnaper, tiklo sa entrapment operation sa Makati

Pulis at 4 na kasabwat na kidnaper, tiklo sa entrapment operation sa Makati

July 6, 2018 @ 3:23 PM 5 years ago


 

Makati City – Mistulang maamong tupa ang limang suspek na sina Mohalem Macapundag, 28; Muhamad Macapundag, 34; Mohalil Macapundag, 30 (3 Magkapatid); Wenceslao Sevellejo, 44; at isang pulis na si PO2 Jaycee Abana, 28; sa pangingidnap sa dalawang chinese national matapos humarap kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Regional Director CSupt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar.

Nakilala ang mga biktimang 2 Chinese national na sina Changbo Fang, 22 at Fang Zhang Bao.

Nadakip ang 5 suspek sa isinagawang entrapment operations ng mga tauhan ng hepe ng Makati City Police PSSupt. Roger Simon sa kahabaan ng Nicanor Garcia St. Brgy Poblacion, Makati City. (Jun Mestica)