Pulis at protestante, nagsalo sa almusal bago ang SONA

Pulis at protestante, nagsalo sa almusal bago ang SONA

July 23, 2018 @ 9:13 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Magkasamang nag-almusal sina NCRPO C/Supt. Guillermo Eleazar at si Sec. Gen. ng Bayan Muna Renato Reyes Jr. habang pinag-uusapan nila ang magaganap na kilos protesta kasabay ng ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak ni Reyes na walang magaganap na kaguluhan sa kanilang kilos protesta dahil nais lamang aniya nila na maipabatid sa gobyernong Duterte ang kanilang hinaing tulad ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng TRAIN law at ang hindi pagtupad sa ipinangako nito sa mga manggagawamg Pilipino na sugpuin ang ENDo. (Jay Reyes)