Pulis binentahan…Tatlo, tiklo sa shabu

Pulis binentahan…Tatlo, tiklo sa shabu

July 3, 2018 @ 5:39 PM 5 years ago


Valenzuela City – Tatlong hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang naaresto ng mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang mga naarestong suspek na sina Erwin Joseph Bautista, 33, (pusher) ng 139 Paliwas, Leonard Angelo Apolonio, 34, (user) ng 192 Roasa St., Panguhulo, kapwa ng Obando, Bulacan at Marvic Joaquin, 33 (pusher) ng San Diego St. Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City.

Ayon kay Sr. Supt. Poklay, dakong 1 ng madaling araw nang isagawa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit at Police Community Precinct 5 sa koordinasyon sa PDEA ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa San Diego St. malapit sa P. R. San Deigo Eelementary School, Brgy. Arkong Bato.

Nang iabot ng mga suspek ang isang plastic sachet ng shabu sa pulis na umaktong poseur-buyer kapalit ng P500 marked money ay agad inaresto ang mga ito.

Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang tatlong transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matukoy na dami at halaga ng hinihinalang shabu, P500 buy-bust money, P300 cash, isang coin purse, 1 revolver, 6 na bala ng baril at isang Yamaha Mio motor. (Rene Manahan)