Pulis, dedbol matapos mapagod mag-jogging

Pulis, dedbol matapos mapagod mag-jogging

November 9, 2022 @ 11:15 AM 3 weeks ago


ILOCOS SUR- Patay ang isang pulis sa Brgy. Poblacion, Sta. Catalina ng lalawigang ito matapos na mawalan ng malay habang nagpapahinga matapos nitong mag-jogging.

Nabatid na noong gabi ng Lunes (Nobyembre 7) ay tumawag si Police Lt. Marcos R. Rafanan sa Sta. Catalina MPS para ipagbigay-alam na ang biktimang si si PSMS Rosendo Raganit y Ramolete, 41, may asawa, miyembro ng 1st PMFC ng La Union PPO, residente ng naturang barangay ay isinugod sa ospital ngunit hindi na nagawang isalba pa.

Bandang 5:45 ng hapon noong Lunes, ang biktima na katatapos lang mag-jogging ay nagpapahinga sa tapat ng bahay nina Ginalyn Ragil nang bigla itong nawalan ng malay.

Dahil dito, ang biktima ay agad na isinugod sa North Side Doctors Hospital sa Bantay, Ilocos Sur.

Bandang 7:55 ng gabi nang ideklara ng attending physician na patay na ang biktima.

Ang cause of death ng biktima ay myocardial infarction. Rolando S. Gamoso