Pulis, establishment owners pag-uusapan ang protocols ngayong holiday gatherings

Pulis, establishment owners pag-uusapan ang protocols ngayong holiday gatherings

November 27, 2020 @ 6:50 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaasahang magpupulong ang District directors at local chiefs ng mga pulis kasama ang mall management management at iba pang establisimyento para sa ipatutupad na protocol ngayong Kapaskuhan.

“We really are expecting that, ‘yung mga chiefs of police, ‘yung mga heads of districts would certainly have a dialogue with management ng mga different establishments,” saad ni Philippine National Police spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana sa GMA News Online.

“As regards the increase in the number, depende ho ‘yan sa magiging needs doon po sa ground. I would assume ‘yung ating NCR police districts, ‘yun pong mga nasa stations, mayroon po silang existing mechanism kasi every year naman po ‘yan eh.”

“Ang usual na nangyayari naman po wala pong Christmas breaks on the part of police personnel. They have to dedicate their time and energy kung saan ine-expect na ang mga tao magkakaroon ng activities,” lahad pa ni Usana.

Sapat aniya ngayon ang bilang ng kapulisan lalo pa sa Metro Manila.

“Sa bilang po ng ating mga pulis sa localities, I guess enough naman po ‘yung number,” punto nito.

“We really are expecting po that there is a rise on public convergence lalo na po ‘yung inaanticipate nating Misa De Gallo. But the IATF guidelines must be complied with.”

“So nakikita po natin ‘yung need for us to communicate time and again with our people na maiwasan po itong pagdagsa sa mga lugar, ito po man ay mga churches, mga malls, ‘yung mga tiangge kasi ito po ‘yung pagkakataon na magbibigayan ang mga tao pero sa ngayon sa pandemic, we have to sacrifice…” paliwanag pa ng tagapagsalita.

“Our police officers will have to be more visible than ever pagdating sa pagrerequire sa ating mamamayan to observe minimum health protocols.”

Umapela rin siya sa publiko na iwasan ang paglabas kung hindi naman kailangan.

“Huwag na siguro lumabas kung di naman kailangan talaga. Para di naman po mahirapan ang ating kapulisan kasi makakatulong po sila kapag sila mismo ang nagbibigay ng dahilan para ang ating mga pulis maging successful sa kanilang gagawin po.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...