Pulis gumanti ng putok, hinihinalang tulak patay sa buy-bust

Pulis gumanti ng putok, hinihinalang tulak patay sa buy-bust

August 1, 2018 @ 5:22 PM 4 years ago


 

Sta. Cruz, Manila – Hindi na umabot nang buhay sa Chinese General Hospital ang isang 27 anyos na umano’y tulak ng droga, makaraan umanong manlaban sa mga pulis sa inilatag na buy-bust operation sa Sta. Cruz, Manila kamakalawa.

Nakilala ang biktimang si Novie Faustino Palatao, na may alyas “Nobi” ng Sta. Cruz, Manila matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Base sa ulat ni Sr. Insp. Edison Ouano, hepe ng Manila Police District-Blumentritt Police, bandang 3:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa isang eskinita sa tabi ng condemned building sa Pedro Guevarra St.

Nakatanggap ng report ang pulisya kaya naman ikinasa ang operasyon at isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer,  nang makabili ng P300 na halaga ng shabu ay tinangkang arestuhin ang suspek.

Gayunman, habang lumalapit ang mga pulis sa suspek ay kaagad na silang pinaputukan nito ng baril.

Dito na napilitan si PO1 Arvin Gomez na gumanti ng putok na ikinasawi ng suspek.

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang isang kalibre .38 revolver at anim na pakete ng hinihinalang shabu. (Rene Crisostomo/Revia Mae Sibal)