Pulis, kawani ng munisipyo arestado sa shabu

Pulis, kawani ng munisipyo arestado sa shabu

November 15, 2022 @ 4:24 PM 2 weeks ago


CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang isang pulis at kawani ng munisipyo matapos mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Gingoog, Misamis Oriental.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Police Staff Sgt Kenneth Lofranco, naka-floating status sa Regional Police Holding and Accounting Office (RPHAO) Camp Alagar at Divina de Lima, empleyado ng city veterinary office, at kapwa residente Purok 1, Brgy 24, Gingoog City.

Ayon kay PDEA-MisOr Provincial Director Expedito Cardona Jr., nakuha sa mga suspek ang 10 gramo ng shabu at baril ni Lofranco sa isinagawang drug buy-bust operation sa kanilang bahay sa nasabing lugar.

Sinabi pa ni Cardona, inilagay sa floating status si Lofranco dahil sa akusasyon na paggamit at pagbebenta nito ng illegal na droga.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico