Pulis may 5 ‘persons of interest’ sa pagpaslang, paghalay sa magkasintahan sa Mariduque

Pulis may 5 ‘persons of interest’ sa pagpaslang, paghalay sa magkasintahan sa Mariduque

July 19, 2022 @ 5:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Boac Police nitong Martes na mayroon silang limang “persons of interest” sa pagpatay sa 21-anyos na lalaki at kanyang 17-anyos na kasintahan sa Marinduque.

Sinabi ni Boac police chief Police Major Jerome Mendiola na naipadala na nila ang larawan ay voice recording ng isang person of interest sa rape victim, na kinilala sa alyas na “Lyn,” subalit aniya’y hindi ito ang suspek.

“As of now, wala pa po kaming nahuhuling suspect pero meron na po kaming ilang persons of interest,” pahayag niya. “Bale lima [sila]. Iyong isa, nakuhanan namin ng voice recording at pictures kahapon. Iyong apat, lalakarin namin ngayon for voice recording at i-send namin sa victim.”

Sinabi pa ng Marinduque police na mayroon silang limang ‘persons of interest’ sa pagpatay sa lalaki at panggagahasa sa kanyang kasintahan habang nasa camping trip sa Boac

“Dalawa na po kasi kahapon, isa lamang po. Nakausap namin si Senator Tulfo kahapon, nagpadagdag po ng isa. Nag-request sila,” paglalahad niya.

Magugunitang nag-alok si Tulfo ng P1 milyong pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng hindi pa natutukoy na suspek. RNT/SA