Pulis may kapabayaan sa Degamo slay – Azurin

Pulis may kapabayaan sa Degamo slay – Azurin

March 7, 2023 @ 8:21 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinita mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief Rodolfo Azurin ang pagpapabaya sa seguridad ng pulisya para sa yumaong Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“We admit na meron talagang negligence doon sa nangyari na naging lax talaga yung security,” ani Azurin sa press briefing noong Lunes.

Ani Azurin, hindi lang ang pagpatay kay Degamo ang iniimbestigahan ng pulisya kundi maging sa kapulisan dahil sa kapabayan sa seguridad.

“Ang imbestigasyon ay patuloy hindi lamang sa kaso sa nangyari kay [sa nangyari sa] gobernador kundi sa administrative aspect din ng kapulisan natin [ng ating pulisya],” dagdag pa ni Azurin.

Sinabi ni Azurin na alam ng pulisya ang antas ng banta sa gobernador.

“Nagkulang ba tayo sa intel? Nagkulang sa pag-abiso sa mga VIP [very important person] considering na alam yung threat level ng governor?” ani Azurin sa briefing.

Ang mga armadong lalaki na nakauniporme ng militar ay pumasok sa tahanan ng gobernador habang nakikipagkita siya sa mga nasasakupan noong Sabado ng umaga, isang bagay na ginawa ni Degamo tuwing katapusan ng linggo. Binaril nila si Degamo at walong iba pa ang nasawi.

Sinabi ni Azurin na ang mga tauhan ng pulisya na nakatalaga kay Degamo ay dapat na nakatalaga sa labas upang suriin ang mga bisita.

Iniaatas na ni Azurin sa PNP Command Group na tingnan ang posibleng reshuffling ng mga pulis sa loob ng Negros Oriental.

Inaresto ng pulisya ang apat na suspek habang ang isa ay napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis Sabado ng gabi.

Samantala, sinabi ni Azurin na plano ng PNP na suspindihin ang permit to carry firearms sa Negros Oriental, at magtatag ng police checkpoints sa mga kritikal na lugar. RNT