Pulis-Maynila na suspek sa pagpatay sa Tondo sumuko na

Pulis-Maynila na suspek sa pagpatay sa Tondo sumuko na

November 20, 2020 @ 7:50 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Boluntaryo umanong sumuko  ang pulis-Maynila na suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang lalaki  at ikinasugat ng isa pa sa Tondo, Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay MPD Homicide Section Chief, Captain Henry Navarro, kanila nang nakuha  ang suspek na si  PCpl Norman Alvin Santos na miyembro ng  Delpan Police Station (PS 12).

Ayon kay Navarro, ilang oras pang nakipag-negosasyon ang Homicide Section at Delpan Police Station sa pamumuno ni P/Lt Col Evangeline Cayban sa suspek bago ito tuluyang sumama.

Nauna rito, lasing umano ang suspek nang mangyari ang insidente kung saan ang biktima na si Joseph Marga ay nabaril nito  sa bahagi ng J.P Rizal sa Tondo madaling araw ng Biyernes  na nagresulta  ng kanyang kamatayan habang sugatan ang isa pa nitong kaibigan.

Si Santos ay sasampahan ng kasong homicide, ayon kay Navarro.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •  

Loading...