Pulis MPD, nakaligtas sa ambush

Pulis MPD, nakaligtas sa ambush

October 10, 2018 @ 2:36 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Maswerteng nakaligtas matapos tambangan at pagbabarilin ang pulis na si PO2 John Taruc,  miyembro ng MPD Station Drug Enforcement Team, at kilalang kalaban ng mga tulak at lulong sa droga.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang 6:30 ng gabi nitong nakaraang Martes nang maganap ang pamamaril sa suspek sa A. Mabini St., sa Malate, Manila.

Gayunman, isinugod nito ang sarili sa Manila Doctors Hospital, dahil sa mga sugat na natamo sanhi ng mga basag na salamin na tumama sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Hinihinalang sindikato ng droga ang nasa likod ng pangyayari dahil sa pagiging aktibo ng pulis sa war on drugs ng pamahalaan. (Rene Crisostomo)