PULIS NA BUMARIL SA GINANG, NA-INQUEST NA SA MURDER CASE

PULIS NA BUMARIL SA GINANG, NA-INQUEST NA SA MURDER CASE

June 4, 2021 @ 11:20 PM 2 years ago


TINIYAK po ng PNP Internal  Affairs Service na gumugulong na ang imbestigasyon laban sa pulis na namaril at nakapatay sa 52-anyos na babae sa Quezon City.

Sana nga po, maging patas ang batas sa kamatayan ng kaawa-awang ginang na may anim na anak na umaasa lamang sa kanyang pangangalakal ng mga basura.

Kunsabagay, tinitiyak naman ni IAS chief Atty. Alfegar Triambulo na sa loob ng 20 araw, kanila nang mailalabas ang resulta ng imbestigasyon para sa summary dismisal nitong si PM/Sgt. Hensie Sinampan ito  matapos na mag-wave sa paghahain ng kanyang counter affidavit.

Samantala, nakapaghain na rin ang Quezon City Police District ng kasong murder laban kay Sinampan sa Quezon City Prosecutors Office sa pagpatay nit okay Lilibeth Valdez nitong Lunes lamang ng gabi sa North Fairview sa Quezon City.

Lasing at nakasibilyan ang tarantadong pulis nang isagawa nito ang pamamaril sa biktima dahil sa matagal nang alitan ng pulis at pamilya ng biktima.

Buti na lamang at nakunan ng video ng mismong anak ng nasawi ang insidente na nag-viral naman sa social media.

Ewan ko ba rito sa mga bugok na pulis na ito.

Kung kailan pinagsusumikapan na ibalik ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang intergridad o respeto ng mga tao sa kapulisan na matagal nang nasira gawa ng mga bugok na pulis, sala naman lumilitaw ang katulad ng gagong si Sinampan.

Sayang ang ipinasasahod sa gagong pulis na ito dahil sa halip na magsilbing taga-pagtanggol ng mga mamamayan, siya pa ‘yung nangungunang pumapatay sa mamamayan..

Sa isang pulis na gumawa ng kawalanghiyaan, nadadamay ang buong organisasyon.

BOOKIES SA MABINI, BATANGAS TALAMAK

Sa Mabini, Batangas, isang barangay chairman na may alyas Kaka ang patuloy sa pag-o-operate ng bookies ng STL at lotteng sa kabila ng pandemya.

Walang aksyon ang Mabini Police chief na si Maj. John Albert Rongavilla para patigilin ang talamak na operasyon ng pasugalan ni alyas Kaka sa nasabing bayan.

Hindi ko sinasabing nagkakaroon si hepe kaya kahit nagkalat ang pasugalan sa kanyang teritoryo ay dedma lang ito.

Totoo ba ito, Maj. Rongavilla?

 Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]