Pulis na gipit nangholdap ng tindahan

Pulis na gipit nangholdap ng tindahan

March 14, 2023 @ 4:07 PM 2 weeks ago


DAVAO – Naaresto ang isang aktibong pulis na nang-holdap sa isang tindahan sa ATagum City, Davao del Norte.

Kinilala ang suspek na si Patrolman Ralph Doria, 30 anyos, na naka-destino sa Prosperidad, Agusan del Sur.

Base sa ulat ng pulisya, nagpanggap na kustomer sa tindahan ang suspek bago magdeklara ng holdap.

Tinangka pa nitong tumakas pero nasukol din ng kanyang mga kabaro.

“Apparently, sa kaniyang declaration, financially, ipit daw talaga siya. Parang may problema something sa pera, which resulted to sa paggawa niya ng naturang violation,” ani Police Major Anjanette Tirador, deputy chief ng Tagum City Police.

Na-recover mula sa suspek ang kaniyang issued firearms, mga bala at P5,000 na cash. RNT