Pulis na may COVID sumampa na sa 47,994

Pulis na may COVID sumampa na sa 47,994

January 29, 2022 @ 11:32 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Nadagdagan pa ng 132 bagong kaso ng COVID ang hanay ng Philippine National Police (PNP), batay sa ulat.

Pumalo naman ang kabuuang bilang sa 47,994.

Binabantayan din dito ang 1,693 aktibong kaso ng COVID sa hanay ng PNP.

Habang nakarekober na ang 301 pang personnel kung kaya’t umabot ito sa kabuuang bilang ng 46,175.

Samantala, nananatili ang bilang ng nasawi sa 126. RNT/FGDC