Pulis na nadulas, patay sa sariling baril

Pulis na nadulas, patay sa sariling baril

October 5, 2022 @ 2:56 PM 2 months ago


CAUAYAN CITY – Hindi inakala ng isang pulis na ang gagawin niya sanang praktis para magpaputok ng kanyang baril ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan matapos madulas at aksidenteng nakalabit ang gatilyo at tamaan ang sarili nitong Martes, Oktubre 4 sa Santiago City.

Kinilala ang biktimang si PMaster Sgt. Henry Areola Esteban, 46 anyos, may-asawa, nakatalaga sa Traffic Enforcement Unit ng SCPO at residente ng San Andres, Santiago City.

Batay sa report ng Santiago City Police Station, naganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Kwento ng ina ni Esteban, lumabas ng bakuran ang anak para sana magpraktis magpaputok ng baril ng bigla na lamang itong nadulas.

Dahil dito, nakalabit ng biktima ng gatilyo ng kanyang baril at tumama sa kanyang sarili na naging sanhi ng kamatayan nito.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente nakapulot sila ng basyo ng Cal. 9mm pistol Glock 17 at isang empty shell. Mary Anne Sapico