Pulis na namaril sa estudiyante sibak; 4 demoted

Pulis na namaril sa estudiyante sibak; 4 demoted

March 27, 2022 @ 2:30 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Sinibak sa serbisyo ang isang miyembro Philippine National Police (PNP) habang apat na kasama ang na-demote dahil sa reklamo ng pamamaril sa estduyante nitong Pebrero sa Quezon City.

Sa desisyon ipinalabas ni Atty. Rafael Vicente Calinisan ng People’s Law Enforcement Board nitong Marso 22, sinibak sa puwesto si Police Corporal Reymark R. Rigor.

Samantala na-demote o napababa ang kanilang ranggo sa kasong Grave neglect of duty sina PSMS Neleazar Torrijos, ay naging Rank 1, PSSG Fernan Concepcion, Rank 1, PCPL Jimbeam Fernandez, Rank 1 at Grave Misconduct naman kay PSSG Bryan Busto, Rank 1.

Napawalang sala naman sina PSSG Jayson Osmena at PCPL Jaycee Tordil.

Nag-ugat ang nasabing kaso matapos barilin ni Rigor ang biktimang si Dominique Castro, na tinamaan sa katawan at sumailalim ito sa operasyon.

Lumabas sa imbestigasyon, na pasahero ang biktima ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Scout Rallos extension, Quezon City ng dumating ang lasing na si Rigor at binaril nito si Castro na tinamaan sa katawan.

Wala naman umanong ginawang aksyon ang apat na na-demote kaya pati sila ay inireklamo.

Nabatid, na galing sa inuman ang suspek dahil birthday ng kanyang superior./Mary Anne Sapico