Pulis na nasibak sa pwesto sa droga, arestado sa murder!

Pulis na nasibak sa pwesto sa droga, arestado sa murder!

July 23, 2022 @ 4:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Humigi’t kumulang sa limang taon na nagtago ang isang pulis na nasibak sa serbisyo hinggil sa pagkakasangkot sa iligal na droga at kasong murder matapos itong maaresto ng mga elemento ng CIDG RFU4A sa Katapatan Village Barangay Banay-Banay sa lungsod ng Cabuyao, Laguna.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na may criminal case number 3716-2018 na inisyu ni Hon. Eufren F. Changale Presiding Judge of RTC Branch 32 Cabarroquis Quirino dated July 18, 2018 na walang kaukulang piyansa ang suspek na nakilalang si Oliver Sibayan.

Base sa report ni PCol Marlon R. Santos ,Regional Officer CIDG4A, dakong alas-12:10 ng hatinggabi nang maaresto ang suspek kung saan si Sibayan (suspek) ay former PNP member sa Quirino PPO PRO2 na nadismis sa serbisyo hinggil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga at pagpatay umano sa kapwa nito pulis na si PO3 Joven Valdez Gabatin noong nakalipas na August 17,2017.

Napag-alaman na si Sibayan (suspek) ay nagtago kung saan umalis ito sa probinsya ng Quirino at umano ay nagpalipat-lipat ng lugar para magtago, subalit mabilis itong natunton sa lungsod ng Cabuyao, Laguna.

Nabatid sa ulat na ang suspek ay nasa talaan ng Regional Most Wanted Person sa Regional Office 4A, kung saan malaking tulong ang komunidad na siyang nagbibigay ng impormasyon para maging successful ang Anti- Criminality Operation ng CIDG4A. Ellen Apostol