Pulis na sumagip sa nalulunod, patay

Pulis na sumagip sa nalulunod, patay

January 31, 2022 @ 2:03 PM 8 months ago


Lucena City – Patay ang isang pulis na nakadestino sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) nang masawi habang sinasagip ang biktimang nalulunod sa Atimonan, Quezon.

Kinilala ang parak na si PCpl. Ruel Agnes na nasawi sa pagligtas sa 25-anyos na si Mary Jean Binaday Mata na nalulunod sa Maling River noong Enero 26.

Nang mangyari ang insidente, nagsasagawa si Agnes ng intelligence monitoring para sa operasyon laban sa sugal.

Kapwa sila inanod ng malalakas na alon kung kaya’t hindi agad nakita.

Batay kay PLt. Lovelyn Lalunio ng QPPO-PIO, nakikipag-inuman si Mata sa isang bahay na malapit sa pinangyarihan.

Nagsagawa naman ng joint retrieval operation ang Atimonan MPS kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP), MDRRMO, Philippine Coast Guard, 89th IB Philippine Army, at Brgy. Tanod ng Brgy. San Isidro Atimonan, Quezon.

Nadiskubre naman ang bangkay ni Mata noong Enero 29, umaga, habang si Agnes ay narekober bandang 12:10 ng kaparehong araw sa binsidad ng Brgy. San Isidro sa Atimonan. RNT/FGDC