Pulis patay, 8 sugatan, 2 nawawala sa OccMin clash

Pulis patay, 8 sugatan, 2 nawawala sa OccMin clash

May 28, 2021 @ 7:43 PM 2 years ago


Manila, Philippines – PATAY ang isang pulis habang walo sa mga kasamahan nito ang sugatan at dalawa naman ang nawawala sa  naganap na enkwentro sa Occidental Mindoro kaninang umaga.

Kinilala ang napatay na si PEMS Jonathan Alvarez habang ang mga nasugatan naman ay sina PSSg Dexter Sagun, PSSg Edwin Vergara, PSSg Michael Sualog, PSSg Michael Enero, PSSg Nolito Develos, PCpl Kim Jayson Dimalaluan, Pat Armando Pulido at Pat Danny Soriano.

Nawawala naman ang dalawang pulis na sina PCpl Stan Gonggora at PCpl Nicolas Estocapio JR.

Base sa ulat, dakong 10:30 ng umaga nang maganap ang armed encounter sa So Banban Brgy. Nicolas, Magsaysay, Occidental Mindoro.

Hindi naman alam ang bilang ng mga nakasagupa ng PNP na mga miyembro ng terrorsitang News People’s Army (NPA).

Ayon kay P/Lt Col Jordan Pacatiw, Provincial Director ng Occidental Mindoro, mahigit sa dalawampu mga pulis ang nagbigay ng seguridad sa convoy ni Occidental Mindoro Governor Ed Gadiano na katatapos lang magsagawa ng serbisyo caravan ng  Provincial Task Force para  mahinto ang Local Communist Armed Conflict sa nasabing lalawigan.

Dagdag dito, hindi nadamay ang gobernador sa sagupaan dahil nakalampas na ito at  ang niratrat ng nga rebelde ay ang nasa buntot o hulihan ng convoy.

Tumagal aniya ng dalawampung minuto ang palitan ng putok hanggang sa umatras ang mga rebelde habang hbindi naman mabatid pa ni Pactiw kung ilan ang nasugatan sa panig ng mga kalaban.

Napagalaman na sa pinakahuling ulat umakyat na sa dalawa ang namatay sa panig ng PNP habang dalawa naman ang nanatiling nasa kritikal na kondisyon

Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga kapulisan sa sa nataurang grupo. Jan Sinocruz