Pulis patay sa drug ops, suspek tigok din

Pulis patay sa drug ops, suspek tigok din

June 6, 2022 @ 7:45 AM 3 weeks ago


CONSOLACION, Cebu- Patay ang isang pulis habang sugatan ang police asset matapos mauwi sa engkwentro ang ginawang anti-drug operation ng mga awtoridad Linggo sa bayang ito.

Kinilala ang namatay na si Staff Sergeant Careby Clyde Alinsug, 32, miyembro ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) Consolacion habang sugatan ang police asset na si Gibson Tibon.

Kaagad naman nagsagawa ng follow-up operation ng Consolacion Police Station, Cebu Police Provincial Office at Mandaue City Police Office, kaninang alas-7 ng umaga sa Sitio Tarcom, Barangay Lahug, Cebu City laban sa suspek na si Reynaldo Ydil alias “Tata” o “Tatski”.

Sa halip na sumuko umano ang suspek nanlaban ito at nakipagbarilan sa mga operatiba at tinamaan ito sa katawan na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Ayon sa pulisya target si Ydil na kilalang tulak sa nasabing lugar .

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico