Pulis patay sa pananambang sa Isabela

Pulis patay sa pananambang sa Isabela

July 7, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


CABAGAN, ISABELA- Hanggang sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan matapos tambangan ang kanilang ka-baro sa Bypass Road in Brgy. Ugad, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si PCpl. Marnix Baquiran, kasapi ng Reina Mercedez Police station at residente ng Brgy. Kamasi, Peñablanca, Cagayan.

Una rito, isang concern citizen ang ipinagbigay-alam sa kanila na isang insidente ng pamamaril ang naganap dakong alas-8:30 kaninang umaga na kaagad naman nilang nirespondehan.

Sa pagresponde ng kapulisan ay tumambad sa kanila ang isang kulay silver na Toyota Fortuner na may plakang BBZ 3250 na tadtad ng bala ng baril.

Wala nang buhay ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Napag-alaman na unang nadistino sa Cabatuan PS ang biktima bago napunta sa Reina Mercedes.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang pulisya sa posibleng nakakita sa krimen para sa ikakalutas ng pagpaslang sa biktima. Rey Velasco