Pulis patay sa salpok ng 10 wheeler truck habang nagpi-picture

Pulis patay sa salpok ng 10 wheeler truck habang nagpi-picture

July 11, 2021 @ 12:42 PM 1 year ago


RIZAL – Durog ang katawan at labas ang laman loob ng isang tauhan ng Rizal PNP na nag-photo ops ng masapol ng killer cargo truck na bumitaw sa 10 wheeler kamakalawa ng umaga sa Tanay Rizal.

Kinilala ni P/Lt. Col. Resty Damaso, hepe ng pulisya ang biktima na si Pcpl. Kirk Dauglas Tolentino, nakatalaga sa Cainta Municipal Police Station, habang nadakip naman ang 10 wheeler cargo truck driver na si Dante Yarcia Sarmiento.

Ayon sa imbestigaston ni Pat. Danilo Morales Jr., dakong 7:30 ng umaga July 10 nangyari ang brutal na aksidente sa kurbadang bahagi ng Sitio Bayucan, Brgy., Sampaloc Tanay.

Lumilitaw sa imbestigasyon, kumuha ng view photo na overlooking sa lugar ang biktima kasama ang backrider nito na namahinga mula sa mahabang biyahe.

Nang masapol ng 10 wheeler na minamaneho ng suspek na nawalan ng preno nag-overtake sa kurbadang bahagi pababa sa lugar.

Durog ang katawan ng biktima at tumaob naman ang cargo truck na hatak-hatak ng 10 wheeler na napigtal ang lock.

Nakapiit na sa detention cell ng Tanay PNP ang suspek na nakunan pa ng ilang shabu paraphernalia tulad ng alluminum foil at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property. Rene Tubongbanua