Pulis-QC todas sa kawani ng BOC

Pulis-QC todas sa kawani ng BOC

May 21, 2022 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang miyembro ng  District Headquarters Support Unit ng Quezon City Police District nang barilin ng isang tauhan naman ng  Bureau of Customs sa Gate 3 South Harbor Brgy.651 Port Area, Manila.

Naisugod pa sa Gat.Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si P/ EMS Celedonio Cauceran Jr , residente ng 27- B Saint Vincent St.Brgy. Holy Spirit , Quezon City ngunit idineklarang dead on arrival.

Kinilala naman ang suspek na si Elizer Mangili, 36 , binata , Intel Officer 1 CIIS , ng BoC sa naturang lugar na kusang sumuko sa Manila Police District -Station 13.

Sa ulat kay P/ Lt.Adonis Aguila , hepe ng MPD- Homicide Section , alas  9:40 ng gabi , nang maganap ang engkuwentro sa loob ng Customs Intelligence and Investigation Services Office, sa Bureau of Customs (BOC), Gate 3, South Harbor, Bgy 651, Port  Area, Manila.

Sa pahayag naman ni Jovan Lugtu at kasamahan ni Mangili, nagsasagawa silang dalawa ng ilang katanungan kay Cauceran.

Ilang sandali pa ay nagpaalam ang biktima na pumunta ng comfort room ngunit pagbalik ay biglang bumunot ng baril sa di malamang kadahilanan.

Gayunman,maagap at mabilis na umaksyon si Mangili kaya naunahan ang biktima.

Pinagtulongan ding dalhin sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot pang buhay.

Narekober sa lugar ang isang caliber .45 1911Remington na may serial number 1988216; isang Cal 45 na kargado pa ng bala ang magazine; isang 9MM na caliber  pistol, magazine at apat na bala.

Sa panig naman ng BOC, kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pamunuan nito ang pangyayari gayundin sa MPD. Jocelyn Tabangcura-Domenden