Pulis sa Nueva Ecija patay sa COVID

Pulis sa Nueva Ecija patay sa COVID

January 19, 2022 @ 1:48 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Patay ang isa pang pulis sa coronavirus disease 2019 (Covid-19), ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa pahayag ng Philippine News Agency (PNA), sinabi ni PNP deputy chief for administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, ang ika-126 nasawi ay staff sergeant na nakatalaga sa Jaen municipal police sa Nueva Ecija.

Sinabing ito ay fully vaccinated, at nasawi sa Nueva Ecija Medical Center noong Enero 14 dahil sa COVID-19 at acute respiratory failure.

 “(He was) vaccinated but with co-morbidities,” paliwanag pa ni Vera Cruz.

Nagpositibo ito sa COVID noong Enero 13.

Nakita sa kanyang medical record na ang pulis ay mayroong acute respiratory failure secondary to community-acquired pneumonia at chronic kidney disease. RNT/FGDC