Pulis sa Pampanga suspek sa pamamaril sa 19-anyos

Pulis sa Pampanga suspek sa pamamaril sa 19-anyos

November 25, 2021 @ 12:44 PM 3 days ago


Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Dionardo Carlos ang shooting incident na kinasasangkutan ng police officer na ikinasawi ng isang 19-anyos sa Pampanga noong Nobyembre 20.

Kaugnay nito, inatasan na ng imbestigasyon si Police Regional Office 3 chief, Brig. Gen. Matthew Baccay laban kay Cpl. Alvin Pastorin, 3.

Naisampa na rin ang kasong homicide laban kay Pastorin at kasalukuyang nakapiit sa Bacolor Municipal Police Station.

Nakiramay naman si Carlos sa pamilya ng biktimang si Abelardo Vasquez.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagtungo ang suspek sa tindahan kung saan kinompronta ang biktima at mga kasama nito na walang suot na face mask.

Dito pinagalitan ni Pastorin ang mga kabataan at pinauwi ngunit nagsimula na ang gulo sa pagitan ng pamilya nito.

Sinabi ng witness na tumawag si Vasquez ng backup sa kanyang mga kaanak na na nag-iinuman.

Dagdag pa nito, inatake si Pastorin at pinagbabato pa sa pagbalik nito sa sasakyan.

Dito naman na bumunot ng baril si Pastorin.

Isinugod pa si Vasquez sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor. RNT/FGDC