Pulis sinuwag ang kasalubong na traysikel, humabol sa undas

Pulis sinuwag ang kasalubong na traysikel, humabol sa undas

October 31, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MADDELA, QUIRINO- Humabol sa undas ang isang pulis matapos sumalpok sa kasalubong na traysikel ang minamaneho nitong motorsiklo sa kahabaan ng Barangay Villa Sur, Maddela, Quirino.

Kinilala ang biktima na si PCpl Bernie Pascual, 27-anyos, may-asawa, nakatalaga sa 2nd QPMFC at residente ng Ligaya, Aglipay, Quirino.

Habang ang drayber ng traysikel ay si Alfonso Blanco, Jr., 82-anyos, at residente rin ng Barangay Villa Sur.

Magkasalungat na binabaybay ng biktima at suspek ang daan nang bigla umanong mag U-turn ang traysikel patungo sana sa kanyang lugar subalit habang nasa proseso ay nasalpok ito ng paparating na motorsiklo ng biktima.

IsinugOd pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng buhay dahil sa tinamong head injury. Rey Velasco