Zambo pulis, sugatan sa pamamaril

Zambo pulis, sugatan sa pamamaril

June 14, 2018 @ 3:53 PM 4 years ago


Zamboanga, Philippines – Isang pulis sa Zamboanga Sibugay ang sugatan matapos barilin ng isang bilanggo sa Tungawan Municipal Police Station.

Ayon sa mga awtoridad, kinukuhanan lamang ng finger print ang suspek na si Jomar Aukasa sa loob ng investigation room nang bigla nitong agawin ang ang baril ng isang pulis at agad tumakbo papalabas.

Binaril ng suspek si PO3 Romel Dela Cruz na siyang nakabantay sa front desk nung nangyari ang insidente.

Nakatakas si Aukasa at patuloy na pinaghahanap ng mga pulis.

Naaresto noong Lunes ang suspek sa tatlong kaso ng pamamaslang.

Pangpito sa mga most wanted si Ausaka sa bayan ng Tungawan. (Remate News Team)