Pulis-Taguig inayudahan ng Cayetanos
January 8, 2021 @ 12:54 PM
1 week ago
Views:
100
Remate Online2021-01-08T23:03:50+08:00
MANILA, Philippines – Nasa 661 sako ng bigas ang ibinigay nina representative Alan Peter Cayetano at Lani Cayetano sa mga miyembro ng kapulisan sa Taguig bilang parte ng kanilang pagkilala sa mga pulis na frontliner. Cesar Morales



January 14, 2021 @1:39 PM
Views:
329
MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lalaki nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa loob ng isang pampasaherong jeep sa Sta. Cruz, Maynila.
Sa inisyal na ulat ng Manila Police District, biyaheng Blumentritt Dimasalang-Quiapo ang pampasaherong jeep nang pagsapit sa tapat ng MPD Station 3 o bago bumaba ng underpass nang sumakay ang mga biktima na kalalaya pa lamang umano sa Manila City Jail dakong alas-10 ng umaga.
Kinilala ang mga ito na sina Reynaldo Nuque at Felizardo Pablico na nakulong noong Nobyembre dahil sa robbery hold up.
Napag-alaman na sumakay umano ang apat na katao kasama ang dalawang biktima nang biglang may nagpaputok.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden
January 13, 2021 @7:00 PM
Views:
630
Manila, Philippines – Tiniyak ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na maaaring maging mapili ang kanilang mga residente sa bakunang ituturok laban sa COVID gayundin ang pag-iinspeksyon sa cold storage facility ng na paglalagyan ng mga ito.
“Hindi mo pwedeng pilitin [yung taong magpabakuna], karapatan nya yan at pati yung sinasabi nilang brand na gusto ng tao, kailangan igalang mo rin yan,” saad ni Teodoro.

“Dun sa survey na ginawa namin, yung mga tao gustong magpabakuna pero yung tiwala sa brand, dahil nga may mga naririnig silang impormasyon na mga reaksyon, o kaya doon sa mga nangyayari sa ibang brand, yung efficacy at safety nito, gusto nga namin diversified portfolio of vaccines. Yung may pwedeng pagpilian. Kaya nakikipag-usap kami sa mga dalawa o tatlong brand, para yung tao naman may pagpilian.”

Kaugnay nito, tiniyak na pinapalawig pa ang paghahanda sa cold storage facility na gagamitin para sa COVID-19 vaccines na nasa City Health Office sa Barangay Sto. Niño, Marikina.
“Naghahanda kami ng storage kasi kung iba-ibang bakuna yung makukuha ng city, iba-ibang storage requirements pala ang kailangan. Dapat pala uninterrupted power supply ito, hindi pwedeng mawawalan ka ng kuryente,” lahad pa ni Teodoro. RNT/
FGDC
January 12, 2021 @6:43 AM
Views:
233
PARAÑAQUE CITY – Arestado ang isang sinasabing big-time tulàk matapos kumagat sa buy-bust operation ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at makumpiskan ng kalahating kilo ng hinihinalang shabu.
Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang naaresto na si Datun Menalang Saysay na nakuhanan ng higit P3 milyong halaga hinihinalang shabu.

Base sa ulat, dakong 3:00 ng hapon nang ikasa ang drug operation sa parking lot ng SM Sucat Bldg. A Brgy. San Dionisio, ng nasabing lungsod.
Isang PDEA agent ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang suspek.
Narekober kay Saysay ang kalahating kilo mg shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon piso at buy-bust money.
Nakapiit na ang suspek habang at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehesive Drugs Act of 2002. Jan Sinocruz
January 8, 2021 @6:40 PM
Views:
286
Manila, Philippines – Nagsagawa ng inspeksyon si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang paligid ng Quiapo Church upang siguraduhin ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols bilang paghahanda sa Kapistahan ng Itim na Nazareno.
Kasama ni Domagoso sa isinagawang inspeksyon sina Manila Police District Director Gen. Leo Francisco at MPD-Station 3 (Quiapo) Commander Lt. Col. John Guiagui.
Sa panayam kay Domagoso, muling pinaalalahanan nito ang mga deboto at nananampalataya sa Mahal na Poong Nazareno na hangga’t maaari ay sa bahay na lamang nila gawin ang taimtim na pagdadasal upang makaiwas sa posibleng impeksyon dulot ng COVID-19.

Kasabay sa pagdiriwang ng Traslacion 2021, inanunsiyo ni Domagoso na suspendido bukas ang “online class” sa lahat ng antas ng paaralan sa Maynila dahil sa inaasahang pagbagal o pagkawala ng koneksyon sa Internet.
Kaugnay nito, magpapatupad aniya ng pagbabawal sa pagbebenta ng nakalalasing na inumin bukas sa area ng Quiapo gayundin ang mahigpit na pagpapatupad ng Ordinance No. 5555 (prohibits drinking in public places).
Ang panawagan ni Domagoso sa mga deboto ay muling inulit ni Quiapo Church Rector Msgr. Hernando Coronel kung saan iginiit nito na hindi naman mababawasan umano ang lakas ng kanilang mga panalangin kahit sa bahay lang sila magdasal sa Itim na Nazareno.
“Stay at home! Tayo’y magmahal sa Panginoon mula sa ating mga tahanan. Stay at home, iyon ang pinakamainam,” ani Coronel.
“Sa kaso ng pandemya, long distance ang kapangyarihan. Hindi kailangan hawakan o lapitan,” dagdag pa ng Kura Paroko ng Quiapo Church.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Itim na Nazareno, magsasagawa ng 15 fiesta masses ang Quiapo Church bukas. Sisimulan ito alas-4:30 ng madaling araw na pangungunahan ni Most Rev. Broderick S. Pabillo.
Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng Quiapo Church ang publiko na nasa 400 lamang na indibidwal na magsisimba ang papayagan na makapasok sa naturang simbahan kada misa. Ang mga hindi naman makakapasok sa simbahan ay maaaring makapanood sa may labindalawang LED screen na ilalagay sa bisinidad ng Quiapo.
Mamahagi naman ang local na pamahalaang lungsod ng Maynila ng mga libreng face mask at face shield sa mga magsisimba sa loob ng simbahan ng Quiapo. JAY Reyes