Pulis tigok sa tandem

Pulis tigok sa tandem

July 24, 2018 @ 6:59 PM 4 years ago


 

Sampaloc, Manila – Patay ang isang tauhan ng Manila Police District makaraang barilin ng tinaguriang riding in tandem sa Sampaloc, Manila kaninang hapon.

Nakilala ang biktimang si PO2 JOEL Padre Juan, nakatalaga sa Anti-Crime Unit ng MPD-SampalocĀ Police Station 4.

Batay sa ulat ni Det. Bernard Cayabyab, may hawak ng kaso, bandang 5:15 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa G.Tuazon St., sa panulukan ng Mindoro St., sa Sampaloc.

Samantala, lulan ng itim na may kumbinasyong dilaw na Skydrive at kapwa naka-helmet ang tumakas na magka-angkas sa motorsiklo patungong Galas sa Kyusi.

Kasalukuyan pang iniimbestigahanĀ kung ano ang motibo ng pagpatay habang ang labi ng biktima ay isinailalim sa awtopsiya. (Rene Crisostomo)Ā  Ā