Pulis tiklo sa drug ops

Pulis tiklo sa drug ops

August 6, 2020 @ 10:45 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Cagayan de Oro City–Dinakma ng kanyang mga kabaro ang isang pulis makaraang ‘kumagat’ sa isinagawang drug buy-bust operation sa lungsod na ito.

Kinilala ng nadakip na si P/MSg. Mariejo Molina Tejada, residente ng Zone 3 Taboc, Opol, Misamis Oriental.

Batay sa report ng CDO City Mobile Force Company, nadakip ang suspek kahapon sa nasabing bayan.

Ayon kay Lt. Col. Alexy Sonido, commander CMFC-COCPO, nakatanggap sila ng report hinggil sa umano’y pagiging protektor at pagtutulak ng droga ng suspek .

Sa ginawang operasyon, nakuha mula sa suspek ang ilang gramo ng droga.

Sinabi naman ni Tejada na hindi sa kanya ang droga at planted ang ginawang operasyon.

Nakatakda siyang sampahan ng patung-patong na kaso. Mary Anne Sapico


  •  
  •  
  •  

Loading...