Pulisya at militante, nagkasundo sa mapayapang SONA

Pulisya at militante, nagkasundo sa mapayapang SONA

July 18, 2018 @ 2:59 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Tahimik, maayos at mapayapang protesta sa State of the Nation Adress (SONA) 2018.

Ito ang napagkasunduan ng Philippine National Police (PNP)  sa pangunguna nina NCRPO Director C/Supt Guillermo Eleazar at QCPD Dir Joselito ESquivel Jr. at mga militante sa ginanap na dialogue sa Quezon City Sports Club sa E-Rodriguez Sr. Blvd., kaninang umaga (July 18, 2018).

Tiniyak ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes na hindi na sila magpupumilit pang makalapit sa Batasang Pambansa Complex kung saan gaganapin ang SONA  ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 23.

Dagdag pa nito, hindi tulad noon na hiwa-hiwalay ang multi-sectoral group, mananatili lang sila sa isang lugar sa Commonwealth Ave. para magsagawa ng programa.

Sabi pa ni Reyes, napili nilang maglagay ng fix stage sa tapat ng St. Peter Church.

Pero, hiling ni Reyes kay NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, huwag nang maglagay ng mga harang na container vans, barbed wire at sa halip ay plastic barriers na lang.

Magsisimula ang unity march ng mga militanteng grupo bandang alas-dos ng hapon mula sa UP Diliman at agad simulan ang programa sa Commonwealth ng alas-tres ng hapon.

Sa ginanap na pulong ng pulisya at mga stakeholders, ilan sa mga dumalo ay mga kinatawan ng militanteng grupo, Quezon City local government, MMDA, CHR, religious sector, INC, Muslim Sectors Media Partners at iba pa. (Remate News Team)

Nakipag-usap si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar at QCPD Director Joselito Esquivel Jr. sa iba’t ibang leader ng grupo ng militante kaugnay sa nalalapit na SONA 2018 ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex. Dumalo rin sa pagtitipon ang CHR at ilan pang mga opisyal ng gobyerno sa ginanap na ginanap na Dialogue sa Quezon City Sports Club sa E-Rodriguez Sr, Blvd miyerkules ng umaga.    (Kuha ni Jun Mestica)

 

REMATE FILE PHOTO | JUN MESTICA

 

REMATE FILE PHOTO | JUN MESTICA