Pulisya may persons of interest na sa Basilan mayor slay

Pulisya may persons of interest na sa Basilan mayor slay

December 8, 2021 @ 8:04 AM 10 months ago


ZAMBOANGA CITY – Binuo ng awtoridad ang isang special investigation task group (SITG) para imbestigahan at tugisin ang mga salarin sa nangyaring pagpatay kina Al-Barka, Basilan Mayor Darussalam Lajid at Farrad Nurrudin, at pagbaril din sa isa pang alkalde.

Sinabi ni Colonel Rexmel Reyes, direktor ng Zamboanga City Police Office (ZCPO), na ang SITG Sali at Lajid ay inaatasang tugusin ang mga suspek sa pagbaril at imbestigahan ang posibleng motibo sa pag-atake.

Sinabi naman ni Reyes na posibleng personal na galit o rido ang motibo sa krimen, pero hindi pa rin isinasantabi ng awtoridad ang anggulong may kinalaman sa politika.

“The possible motive is related to personal grudge or rido, however, the investigators are not discounting the possibility of political-related concerns due to the fact that the victims are incumbent elected officials and are aspirants for the upcoming 2022 national and local elections,” ani Reyes.

Dagdag pa niya, may persons of interest na ang pulisya sa nasabing krimen.

Matatandaang magkakasama sina Lajid at Mayor Alih Awal Sali ng bayan ng Akbar, si Nurrudin na kanilang drayber, at iba pang escort nang ambushin ng apat na kalalakihan nitong Lunes.

Ikinasawi ito ni Lajid at Nurrudin, habang kritikal naman si Sali. RNT