June 22, 2022 @2:27 PM
Views:
23
MANILA, Philippines – Nanumpa na ngayong Miyerkoles, bilang ganap na mambabatas si Alfred “Apid” Delos Santos ng Ang Probinsyano Partylist kay Vice President-elect Sara Duterte-Carpio. Minarkahan nito ang simula ng kanyang pagsapi sa ika-19 na Kongreso at ang kanyang pagbalik sa Kamara bilang mambabatas at tagapagsulong sa pag-unlad ng mga probinsya at mga karapatan ng mga probinsyano. RNT
Wishlist ng grupo ng mga guro kay VP Sara, alamin!

June 20, 2022 @10:37 AM
Views:
56
MANILA, Philippines – Isang grupo ng mga guro ang nakabuo ng listahan ng mga gusto nilang pagtuunan ng pansin ni Vice President-elect Sara Duterte sa oras na pormal na itong maupo bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).
Nakatakdang magpadala ng pormal na kahilingan ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa opisina ni Duterte sa sandaling manumpa siya.
Ang agenda, ani TDC national chairperson Benjo Basas, ay nakatutok kapwa sa kapakanan ng mga guro gayundin sa kalidad ng pagkatuto para sa mga bata na “would require both executive and legislative actions more aggressive than what the country has seen for decades.”
Kabilang sa hihilingin ng grupo kay Duterte ang:
-
better compensation package for teachers and educators both for public and private institutions
-
implementation of the 1966 vintage Magna Carta for Public School Teachers, compensation for those affected by Covid-19,
-
free postgraduate education, provision of free laptop computers and internet services,
-
the creation of a separate insurance system and hospital for teachers, among other benefits.
Para naman sa classroom learning, panukala ng TDC ang mga estratehiyang kinabibilangan ng:
-
reduction of class size
-
provision of learning materials
-
providing facilities and sufficient funding for the safe return to normal school operations.
“We assume that the desire for resumption of face-to-face classes has been discussed in the transition and we expect both the outgoing and incoming DepEd managements agreed to provide mechanisms for safe return to schools,” ani Basas.
Hinihikayat din ng TDC ang “change in curriculum that while still catering to the manpower requirements for economic growth, espouses true national development.”
“We want an education system that inculcates patriotism in the hearts of Filipinos and promotes peace and respect for human rights,” giit pa ni Basas. RNT
PADRINO NG PASTILLAS BOYS LUSOT SA KASO?

June 17, 2022 @5:53 PM
Views:
105
Pinaghalong tuwa at inis ang reaksyon ng ilang tsuwariwap natin sa loob ng Bureau of Immigration matapos ibinaba ni Ombudsman Samuel Martires ang sentensyang pagkasibak sa puwesto ng 45 opisyales ng ahensyang kinasuhan kaugnay sa sindikatong pastillas scheme na pinaniniwalaang ugat ng malawakang pagpasok sa bansa ng mga hindi dokumentadong Tsinoy kapalit ng tongpats na itinatapal sa ilang buwayang ahente sa loob.
Natuwa ang ilang matitinong taga-Immigration kaugnay sa pagkatanggal sa posisyon ng mga mokong bunsod sa napatunayan ng kasalukuyang administrasyon na seryoso ito sa kampanyan laban sa katiwalian.
Samantalang malaki ang katanungan ngayon ng mga taga BI kung bakit ‘yung 45 lang na mga empleyadong hindi naman matataas ang posisyon, ang sinibak sa puwesto at hindi kasama ang pinaniniwalaang padrino nilang naka-upo pa rin sa trono at mas malaki ang parte sa pastillas scheme.
Maniniwala ba kayong walang sacred cows na nasa likod ng sindikatong namayagpag mula noong 2017 kasabay sa paglipana sa bansa ng mga Tsinoy na karamihan ay POGO workers, bago ito nadiskubre at ibinulgar ni Senador Risa Hontiveros noong 2020?
Tangna, kahit batang paslit ay hindi maniniwala na walang basbas mula sa mga bossing sa loob ng Immigration ang panghuhuthot ng 45 na opisyal sa loob ng tatlong taon samantalang hindi pinalalampas ng mga amo nila ang barya-baryang transaksyon sa ahensya batay umano sa sumbong ng mga tsuwariwap natin.
Bagaman ipinagkibit balikat lang ng mga nasibak ang sentensya sa kanila ng Ombudsman bunsod sa milyones na rin ang kinita nila subalit lumutang ang reaksyon sa departamento na kailangang panagutin din daw ang mga padrinong higit na nakinabang sa sindikato.
Hindi lang ‘yan, gaano kaya katotoo na nag-level pa raw ang transaksyon ng suhulan ngayon sa BI sa kabila ng pagsabog nito kung saan milyones na ang ibinabayad ng mga ahente sa loob sa bawat Tsinoy na ipinupuslit sa mga Puerto?
May ilang taga Batasan pa nga raw na kakutsaba ng mga kumag na pumipirma pa sa rekomendasyon para mabilisan ang proseso ng dokumento ng mga dayuhan.
Kelan kaya matatapos ang kawalanghiyaan ng mga opisyal na itong patuloy na ginagamit ang poder upang maipasok ang mga dayuhan sa bansa?
SORRY STATE NG AGRIKULTURA SA BANSA

June 17, 2022 @5:51 PM
Views:
130
Malapit nang mag-senior citizen si Gerry, ang aking pinsan sa Barrio Tabulac, San Jose City sa lalawigan ng Nueva Ecija na ang ikinabubuhay ay farming na kinahinatnan na niya dahil ang ama’y dati ring magsasaka.
Tumanda na sa hirap ng trabaho sa bukid pero wala akong narinig na negatibong komento ni-minsan kay Gerry tungkol sa kanyang pagsasaka sa kabila ng napakaraming problema na bumabagabag sa estado n gagrikultura.
Hindi lingid sa kanya ang mga suliranin sa pagsasaka dahil naikukuwento niya sa akin sa tuwing ako’y nadadalaw sa kanilang lugar pero ang sa bilang niya “bahala na ang gobyerno dahil trabaho naman nila ‘yan kuya.”
‘Ika niya, taon-taon ay dinadalaw sila ng iba’t ibang problema – tulad ng patubig, mataas na presyong abono, mataas na upa sa patanim pero pagdating ng anihan, napakamura ang presyo ng kanilang inaaning palay sa merkado.
Dahil walang ibang pagkakitaan kundi sa bukid, wala raw silang karapatang magreklamo dahil kailangan nilang mabuhay, nagtitiis sa kakarampot na kita na nagtagal nang dekada, umaasa na darating din ang maaliwalas na bukas.
Pero tila ‘di na darating ang maliwanag na umaga sa pinsan ko dahil sa kanyang muling pagtawag kahapon sa akin – ang dating tahimik na ‘di ko nakitaan ng daing sa dekada niyang pagsasaka ay ito biglang may problema.
Bulalas niya, balak na raw niyang huminto sa pagsasaka dahil wala nang nangyayari. Imbes na kumita, nababaon lang daw sa utang, lalo ngayong tumataas nang todo ang presyo ng diesel na napakaimportante sa modern farming.
Frankly speaking, nakababahala ang kuwento at biglaang desisyon ng aking pinsan na sa pakiwari ko’y dapat ikabahala rin ng bawat Juan at Maria na concerned at may malasakit sa lugmok na estado ng ating agrikultura.
Dahil ang kuwentong buhay magsasaka ng aking pinsan ay tiyak na kuwento rin ng marami pang ‘Gerry’ sa sektor ng agrikultura na sa rami ng problema sa pagsasaka ay baka mauwi sa krisis sa pagkain ang Pilipinas.
Kapag nagkataon, paano makakamit ng paparating na administrasyon ang P20 a kilo rice na mithing mangyari ni incoming President Bongbong Marcos kung magkukulang ang bansa ng mga magsasaka o trabahador sa bukid?
Tahimik ang susunod na administration, pero dalangin ng aking pinsan harinawa, aniya, si incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na ang kasagutan sa napakatagal nang “sorry state” ng agrikultura ng Pilipinas.
Carla, nagsalita na sa splitup nila ni Tom!

June 17, 2022 @10:23 AM
Views:
140